Paunti-unti nang naaayos ang ilaw ng mga nasalantang kabahayan. Maaaring malayo o mapanganib ang ibang mga lugar, kaya naman ay pinag-iingat nang lubos ng Department of Energy ang lahat ng mga linemen, engineers, at mga bayaning nagsusumikap na mapanumbalik sa normal ang kuryente.
Ayon kay Secretary Sharon S. Garin, "Sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos, pinapabilis natin ang pag-restore ng kuryente, with safety and building better bilang top priorities. Ang Energy Family teams natin ay tuloy-tuloy na nagtatrabaho 24/7 dahil sa Tino at Uwan."
Inaasahang sa mga susunod na araw ay 100% fully restored na mula sa epekto ng bagyo ang 4.8M na bahay na apektado. Tingnan ang energization schedule na ito: https://www.facebook.com/DOEgovph/posts/1383268243589754
.png)

